Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bangayang Greta-Claudine, muling sumiklab!

ni  Nonie V. Nicasio
 

MULING nagpalitan nang maaanghang na salita ang magkapatid na Claudine at Gretchen Barretto. Actually, kay Claudine nag-umpisa ang panibagong gulo sa magkapatid. Sa panayam sa kanya ng Buzz ng Bayan last Sunday ay tinawag niyang walang puso si Greta.

Ikinuwento rin dito ni Claudine na noong 2010 ay nagpadala raw si Gretchen ng ambulansiya sa bahay niya. May doctor daw na kasama sina Gretchen at Marjorie Barretto, plus mga kalalakihang may dalang straight jacket.

Sa naturang panayam ni Claudine, inamin niyang noong una ay nakaramdam siya ng galit dahil pinapalabas ng mga kapatid niyang mayroon siyang sakit sa pag-iisip. Ngunit iginiit ni Claudine, ayon daw mismo sa kanyang psychiatrist, ang dinanas niyang sakit ay hindi matatawag na “mental illness” kundi “mental torture.”

“Yes. Iba iyong mental illness sa mental torture. I was diagnosed with Battered Wife Syndrome and it’s… mahirap iyong mga pinagdaanan ko.

“Maraming lies, maraming deceits, maraming pagtatraydor. Sinasabi ninyo na I’m not fit as a mother, and all that, but my children are doing well in school.

“Then my sisters and brothers will witness against me. Tapos nasa Instagram sila nagki-Christmas party. Everything that will try to hurt and destroy me, they will do.”

Pahayag pa ni Claudine, “Let’s say for example, if I’m mentally ill, lalong nakakasira ng ulo iyong ginagawa nila. Anything that will put me down. Nakadapa na, tatapakan mo pa, duduraan ka pa.

“Gretchen knows this. She’s heartless. She has no heart. What do you expect? If you cannot respect your parents and make stories about your parents? I’m not going to allow her to destroy my parents’ name anymore. Stop using our name.”

Sa naturang panayam din sinabi ni Claudine na tinawag siyang baboy, lechon, wala nang power at career ni Greta.

Sa panig naman ni Gretchen, itinanggi niya ang mga sinabi ni Claudine. Bahagi ng naging pahayag ni Gretchen ay:

“How do I debate with one who is clearly hallucinating & is under the influence of drugs & is suffering from severe mental illness.

“I am not one who would utter words such as ‘baboy, lechon, laos, & magpakamatay ka na.’

“I never spoke ill or cursed Sabina nor Santino.

“May kasabihan na, ‘Ang kapatid ng magnanakaw ay sinungaling.’”

Anyway, siguradong may kasunod na round pa ang bangayang ito at tiyak na aabangan ito ng marami dahil malamang na mas magiging matindi ang palitan ng maaanghang na mga salita ng magkapatid.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …