ni Ed de Leon
IBANG klase ang favorite female star mo Tita Maricris. Mula raw sa location ng kanilang taping, niyaya niya ang kanyang guest na poging newcomer na sumakay na lamang sa kanyang sasakyan, at siyempre pa magkatabi silang dalawa all the way.
Mukhang talagang decided na ang favorite female star mo na manligaw na naman sa ibang lalaki matapos na magkasunod na pumalpak ang kanyang “operation love life”.
Talagang desperado na siyang magkaroon ng boyfriend, at kailangan ay pogi siyempre.