Monday , December 23 2024

12 patay, 200 naospital sa diarrhea outbreak (Sa North Cotabato)

UMABOT na sa 12 ang namatay habang nasa 200 residente ang biktima ng diarrhea outbreak sa Alamada, North Cotabato.

Iniulat ni Alamada Vice Mayor Samuel Alim, sa naturang bilang ng mga namatay ay pito ang Muslims at lima ang Christians.

Dahil sa tradisyon ay agad inilibing ang pitong namatay.

Ayon sa kanya, mahigit sa 100 ang nadala sa Alamada Community Hospital, habang aabot sa 80 ang mga pasyente na pansamantalang nasa Dado Elementary School.

Sa Sitio New Leon ay aabot din sa 50 ang mga residente na nakaranas ng pagtatae, pananakit ng tiyan at nagsusuka.

Bukod dito, patuloy aniya ang pagdating ng mga pasyente.

Kwento ng opisyal, ang ilan sa mga pasyente ay bumubula ang bibig.

Tinukoy rin ng bise alkalde, na bukod sa Brgy. Upper Dado, apektado rin ang Lower Dado, Brgy. Tigkawaran, Sitio Ribi, at Brgy. Mapurok.

Pinayagan na rin ang mga barangay na mag-deklara ng state of calamity upang magamit ang kanilang calamity fund.

Isinailalim na ang buong bayan ng Alamada sa state of calamity.

Una rito, lumabas ang impormasyon na nag-spray ang mga magsasaka ng kemikals o herbicide sa palayan na ginagamit laban sa mga kulisap.

Ngunit nitong nakaraang Sabado ng gabi ay umulan nang malakas kaya posibleng humalo ang gamot sa tubig patungo sa pinagkukunan ng inomin ng mga residente.

Maaaring dumaloy ang kemikal sa mga balon na ginagamit sa pag-inom kaya nalason ang mga residente.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *