MAY natuklasan ang US insect student na bagong pamamaraan ng paglalagay ng temporary tattoo – ito ay sa pamamagitan ng libo-libong surot.
Lumikha si Matt Cam-per, urban entomologist at Colorado State University, ng bed bug tattoo gun mula sa jar, wire mesh at mga surot.
Gumawa siya ng bunny rabbit pattern sa ibabaw na bahagi ng jar para makasipsip ng dugo ang mga surot mula sa laman ng tao.
Makaraan ang ilang oras na pagdikit ng kanyang braso sa gutom na mga surot, ay nabuo ang malinaw na rabbit tattoo
Sinabi ni Wildlife expert Ellie Harrison sa Outageous Acts of Science programme, sa Science Channel, lumipas ang ilang oras bago nabuo ang bed bug tattoo sa kanyang balat.
“Two hours after the bed bugs have fed, the inflammatory response really kicks in and immune cells, like cytokines and histamines, will flood into the tissues from the blood, producing redness and swelling and heat,” aniya.
Sinabi ni Biologist Chris Krishna-Pillay sa show, nagustuhan niya ang ideya ngunit hindi sang-ayon sa napiling disenyo ni Camper.
“If you’re going to get bitten by a thousand bed bugs, a bunny rabbit is really a bit soft. You’d got to go for something a bit harder, maybe a skull and crossbones,” aniya. (ORANGE QUIRKY NEWS)