Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

PPV ng labang Pacman-Bradley mababa

TINATAYANG  humakot lang ng 750,000 hanggang 800,000 PPV buys ang naging rematch ni Manny Pacquiao  kay Timothy Bradley noong Abril 12 sa MGM Grand sa Las Vegas.

Ang nasabing figure ay kinompirma ni Top Rank promoter Bob Arum sa ESPN.com

Ang nasabing numero ay mababa rin sa unang paghaharap ng dalawang boksingero.  Sa una nilang laban noong June 2012 ay bumenta ng 890,000 PPV.

“We’re between 750,000 and 800,000. Sure, it’s a disappointment,” pahayag ni Arum.

Hindi naglabas ang HBO PPV ng formal na numero katulad ng kalakaran noon.  Pero kinompirma ng ESPN na malapit-lapit ang inihayag na numero ni Arum.   Ang laban ay humakot ng tinatayang $49 million sa gross pay-per-view revenue.

Nang matalo si Pacman kay Juan Marquez via 6th round knockout noong Disyembre 2012, humakot ito ng isang milyon sa PPV.

At ang pinakamiserable ay nang magtala lang si Pacquiao ng 475,000 buys sa naging laban niya kay Brandon Rios noong nakaraang Nobyembre sa Macau, China.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

PSC

Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA, Thailand – Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 …