Tuesday , May 13 2025

NLEX patuloy ang paghahanda sa Semis

HABANG naglalaban pa ang ibang mga koponan para sa puwesto sa playoffs ng PBA D League Foundation Cup, naghihintay na ang North Luzon Expressway sa kanilang makakaharap sa semifinals.

Naunang nakapasok sa semis ang tropa ni coach Boyet Fernandez dulot ng siyam na sunod na panalo sa eliminations.

Sisikapin ng Road Warriors na makuha ang isa  pang titulo sa PBA D League bago ito umakyat sa PBA bilang expansion team sa susunod na season.

“We’re going on a team-building out-of-town,” wika ni Fernandez. “I gave the boys two days off then we will resume practice after our team building. Right now, we’re trying to prepare ourselves because there are a good bunch of teams following us.”

Humahabol ang Cebuana Lhuillier, Blackwater Sports at Jumbo Plastic Linoleum para sa huling puwesto sa semis at ang dalawang twice-to-beat na puwesto sa quarterfinals.

“We’re not looking for the finals yet. All the other teams are very strong,” ani Fernandez. “We’re concentrating on our task at hand.”        (James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *