Saturday , December 21 2024

Napo-list isapubliko na; at “Karatista” ng La Trinidad, buhay uli

UMIINIT ang “Napo-list,” ang talaan ni  pork barrel scam queen Janet Napoles.

Sa listahang ito na hawak nina Justice Sec. Laila Delima at dating Sen. Panfilo Lacson, ang  nilalaman umano ay pangalan ng mga sangkot pa sa scam.

May mga mambabatas sa talaan – mga Senador pa nga daw kaya nais ng ilang Senador na maisapubliko na ito pero hanggang ngayon ay kung ano-anong palusot pa si Delima para hindi lang mailabas ang Napo-list.

Pero si Lacson, gusto na niya ilabas ngunit sa isang executive meeting among the Senators daw. Para silang (mga Senador) na raw ang bahala. Desidido si Lacson na humarap sa imbestigasyon. Sige! Para magkaalaman na.

Huwag! ‘Wag pigilan si Lacson, ang gusto niya sa executive meeting daw.

Ang dapat Senador Ping ilabas sa harapan ng publiko para magkaalaman na agad. Mahirap na baka, hihimayin iyan ng mga Senador o sasabihing kulang pa sa ebidensiya kaya ‘di pwedeng isapubliko.

Pero bakit nga kaya masyadong itinatago ang Napo-list at bakit hindi iutos ni Pangulong Noynoy kay Delima na isapubliko na ito? Totoo kaya ang hinalang may mga kaalyado si PNoy na kabilang sa listahan? Kung wala, ba’t itinatago?

Nasaan na ang transparency government ni PNoy? Nasaan na ang tuwid na daan ni PNoy? Mga oposisyon lang ba ang nangangailangan ng pagtutuwid e paano ang mga ‘tadong kaalyado ni PNoy?

***

Nakatatawa nga naman talaga ang PNoy government – kapos daw tayo sa budget pero ano itong ipinakikita mismo ng Pangulo natin? Nag-aaksaya ng pondo. Bakit kailangan pa ng Food Czar sa katauhan ng kaibigan niyang si Kiko Pangilinan? E kaibigan niya kasi bukod sa kailangan nang mailabas ulit sa publiko ang pangalan ni Kiko dahil malapit na’ng 2016 elections.

E ano’ng kinalaman ng eleksyon. Aysus e di tatakbo uli sa pagka-senador si Kiko “Mega” Pangilinan. Hayun naman pala. Tsk…tsk…tuwid na daan nga iyan. Tuwid na tuwid na simpleng pagpapaalala na sa publiko hinggil sa pangalang Mega este Kiko.

Heto naman si DA Sec. Proceso Alcala, hindi ko lang alam kung bobo o manhid ang mama. Pero tinitiyak kong hindi bobo ang mama, ano ba talaga Kuyang. Unawain mo naman ang lahat. Sampal sa iyo ang ginawa ng kinikilala mong hari.

Ang pagtatalaga ni PNoy kay Kiko na kapareho naman ng trabaho mo ay isang insulto sa iyo. Ibig sabihin pa nito ay lumalabas na wala nang tiwala ang palasyo sa iyo. Marahil dahil sa pagkakadawit ng DA sa pork barrel scam na nasa pamumuno mo bukod sa nasasabit pa ang pangalan mo.

Hay naku, magbitiw ka na lang sa puwesto. Iyon lang ang ibig sabihin ni PNoy sa pagtatalaga sa kaibigan niyang si Kiko. Huwag kang maging manhid Mr. Alcala. Huwag kang maging kapit-tuko Mr. Alcala.

***

Laking tuwa ng mga resindete ng La Trinidad, Benguet nang Manalo noong nakaraang eleksyon si Mayor Edna Tabanda. Iba raw kasi kung babae rin ang nagpapatakbo. Mahihirapan ang mga kurakot.

Kabilang nga sa natutuwa sa pagkapanalo noon ni Tabanda ay ang mga kababaihan ng La Trinidad dahil noong panahon ni dating Mayor Greg Abalos ay halos hindi pinakikinggan ang sumbong ng mga kababaiahn laban sa isang pasugalan – montehan, saklaan, at pokeran sa may trading post.

Maraming beses nang inirereklamo ng isang grupo ng kababaihan sa pasugalang ito ang isang alyas “Boy Kid Karatista”  dahil dito nauubos ang libo-libong napagbentahan ng mga bulto-bultong gulay pero walang aksyon si Abalos. Kung mayroon man ay bitin ang aksyon niya.

Pero nang si Tabanda na ang naupo, isang sumbong lang ng mga kababaihan sa kanya. Hayun, ipinasara agad ni Tabanda ang pasugalan ni Boy Kid Karatista.

Pero ano itong sumbong mayora na bukas na raw uli  ang pasugalan ni Boy Kid  Karatista sa post trading? Ipinagmamalaki ng kapitalista  na may basbas na raw sila mula sa munisipyo.

Mayora Tabanda, naniniwala ang mga residente ng La Trinidad maging ng AKSYON AGAD sa inyong kakayahan. Pakisilip ang info na ito at paki-aksyonan na rin. Kawawa naman ang mga maggugulay natin diyan.

***

Para sa inyong sumbong/reklamo;  suhesti-yon at panig, magtext lang sa 09194212599.

ALmar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *