ni Roldan Castro
HUMANGA si Gladys Reyes kay Kuya Boy Abunda dahil agad siyang tinawagan at nag-sorry pagkabasa sa kanyang controversial Twitter post sa Buzz ng Bayan tungkol sa interview kayWowie de Guzman.
Ang unang tanong ni Kuya Boy ay kung totoo ba na nagpapa-interview ito lately dahil gustong bumalik sa industriya?
May nagkomento sa Twitter na nakapa-insensitive raw ng question at um-agree naman si Gladys.
Binura na niya iyon sa kanyang Twitter account ang post niyang: ”Hindi ako maka-get over. Bilang kaibigan, parang how insensitive para itanong un, at para sa first question?! Spell INSENSITIVE??!”
Klinaro ni Gladys na hindi siya galit kay Kuya Boy.
“Once and for all na lang po, ano, hindi po ako galit kay Tito Boy Abunda, hinding-hindi po. And okay na po, for the record.
“Hindi lang naman po ako sa Twitter, kumbaga, inilabas ko ‘yung saloobin ko. I even texted mismo si Tito Boy, sa kanyang mismong dalawang numbers.
“And wala pa yatang one minute or after a minute, nag-text back na siya, and he was very apologetic sa nangyari, hindi lang sa amin na mga kaibigan ni Wowie, even kay Wowie, very apologetic siya.
“And then for that, I admire him for his humility. Siyempre, sa gesture na ‘yun, kaya sana huwag na po nating i-ano, kasi okay na po. Baka lang may lumabas na ibang version, so, ‘yun po, okay na po and napaka-humble ng gesture na ‘yun ni Tito Boy, and we really appreciated it na na-address ‘yung concern,” bulalas ni Gladys.