Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alex, itinangging siya ang dahilan ng paghihiwalay nina Sid at Bea

ni  Roldan Castro

NAG-START sa blind item ang napapabalitang pagkakamabutihan nina Sid Lucero at Alessandra de Rossi? Na-develop umano ang isa’t isa habang nagso-shoot ng indie movie nila sa Mauban Quezon.

Sa isang presscon ay tinanong si Alex sa open forum kung every day ba ay happy siya sa piling ni Sid? Pabalang niya itong sinagot na bakit naisingit si Sid sa presscon ng show na ididirehe ni Louie Ignacio?

Kinuha raw siya sa show dahil single siya at may asawa na ang kasama niyang hosts na sina Gladys Reyes, Donita Rose, at Chef Boy Logro.

Kinulit pa rin ng movie press si Alex sa one on one interview. Madiin niyang sinabi na wala siyang lovelife at magkaibigan lang sila ni Sid.

Paiwas pa niyang pahayag. ”Hintayin ninyo na kami ni Chef Boy ang ma-link.”

Sinabi rin niya na may malisyoso at tsismoso sa set ng “Mauban” na hindi alam kung paano sila magturingan ni Sid bilang BFF. ”Palagi lang kaming magkausap kasi, nagkakaintindihan kami. At saka, sobrang tagal na naming magkaibigan,” sey pa niya.

Itinanggi rin ni Alex na siya ang dahilan kaya naghiwalay sina Sid at Bea.

Tsuk!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …