Tuesday , December 24 2024

Ping: Rehab ‘wag hadlangan

051214_FRONT

UMAPELA si rehabilitation czar Ping Lacson sa mga politiko at pampolitikang grupo na huwag maging hadlang sa mga pagkilos ng pamahalaan para tulungan ang mga biktima ng kalamidad sa Kabisayaan na bumangon at magkaroon ng normal na pamumuhay.

Sinabi ni Lacson bagama’t katanggap-tanggap ang mga pagpuna, hindi dapat na pangibabawin ng mga politiko at political group ang kanilang mga pansariling interes at iligaw ang mga biktima upang maniwala na walang ginagawa ang pamahalaan para sa kanila.

Ayon kay Lacson, nakapagsumite na ang mga cluster o grupong may kanya-kanyang aksyon at programa para sa rehabilitasyon at inaantay na lamang ng kanyang opisina ang Post Disaster Needs Assessment ng Office of Civil Defense para sa pagbubuo ng isang master plan sa rehabilitasyon.

Bawat grupo ay may gagawin gaya ng para sa impraestruktura sa ilalim ni Public Works and Highways Secretary Rogelio Singson; pabahay – Vice President Jejomar Binay; kabuhayan – Trade and Industry Sec. Gregory Domingo; social services – Social Welfare and Development Sec. Dinky Soliman; at suporta – Budget and Management Sec. Butch Abad at National Economic Development Authority Director General Arsenio Balisacan.

Sinabihan na umano ni Lacson ang lahat ng mga gobernador at mayor ng Tacloban City na magsumite na rin ng kani-kanilang mga plano para sa rehabilitasyon upang maaksyonan ng kanyang opisina at ng mga cluster bago maisumite kay Pangulong Noynoy Aquino para maaprubahan at magiging tuloy-tuloy na ang pagbangon ng mga biktima ng kalamidad.

Kaugnay nito, mayroon nang 130 bahay na natapos ng mga pribadong grupo at naipamigay na sa mga benepisaryo, 14,873 ang kasalukuyang itinatayo habang nakaprograma nang itatayo ng National Housing Authority ang 182,843 bahay mula sa 200,000 itatayo o ire-repair pa lamang.

May 51 gusaling pampaaralan naman ang naitayo na at 165 ang ginagawa pa lamang habang malapit na rin maitayo o ma-repair ang 18,456 silid-paaralan.

Nakapamigay na rin ang pamahalaan ng materyales para sa 12,000 na bangkang pangisda at may 877 bangka na ang naipamigay ng mga pribadong grupo.

Umabot na rin sa 26 milyon board feet ang nakuhang materyales mula sa anim na milyong niyog na natumba at pinakikinabangan na ng mga mamamayan habang babantayan naman ng mga kinauukulan ang pitong milyong puno ng niyog upang hindi ito pagmulan ng sakit ng niyog sa lugar.

Samantala, sinabi ni Lacson may 26,155 lote pa lang ang tiyak na pagtatayuan ng mga bahay samantala nasa 216,966 ang dapat na itayo.

Kaya isinusulong na rin ang panukalang gawin nang resettlement area ang mga lupa ng gobyerno na matatagpuan sa mga lugar ng kalamidad.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *