Mahigit P19-milyon halaga ang naabo sa nasunog na Explosives and Ordinance Division (EOD) battalion building sa Fort Bonifacio sa Taguig City, kamakailan.
Ayon kay Lt. Col. Noel Detoyato, tagapagsalita ng Army, isa sa mga nasunog ang gusali ng EOD na nagkakahalaga ng mahigit P3-milyon.
Kasama rin sa mga naabo ang iba pang mga kagamitan gaya ng mga bala at baril, mga bomba na ginagamit sa pag-aaral at mga communication system na nagkakahalaga ng P16 milyon.
Kinompirma rin ni Detoyato na ililipat na sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija ang buong armory support command matapos ang insidente sa Fort Bonifacio.
Inaalam pa rin ang sanhi ng sunog.