Saturday , March 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nora Aunor, mas feel ang pelikula kaysa teleserye

ni John Fontanilla

MAITUTURING na isa si Nora Aunor sa pinakaabalang aktres ngayon dahil may apat siyang pelikulang ginawa ngayong taon.

Nariyan ang Hustisya, kabiutin sina Rosanna Roces, Sunshine Dizon, Jeric Gonzales, Rocco Nacino, Chynna Ortaleza, Gardo Versoza, Jim Pebanco, Tony Mabesa, John Rendez, Sue Prado, at Romnick Sarmenta; Padre De Familia with Coco Martin; Silbato (Whistleblower); at Dementia.

Ayon nga kay Ate Guy, mas busy siya sa paggawa ng pelikula na mas gusto naman niyang gawin kompara sa teleserye na aniya ay mas maraming oras ang kinakain.

BATCHMATES, DUMAAN SA RIGID TRAINING NG PAGKANTA AT PAGSAYAW

MULA sa iba‘t ibang grupo ang miyembro ng bagong tatag na Batchmates ni kaibigang Lito De Guzman. Ito ay kinabibilangan nina Vassy mula sa Baywalk;  Aura mula sa Mocha Girls;Sophy at Marie  mula sa Chikababes; at Cath na galing naman sa banda. Lahat sila’y magaling kumanta at sumayaw.

One year daw ang ginugol ng Batchmates para mag-train sa pagkanta at pagsasayaw bago sila inilabas kasabay ng kanilang kauna-unahang album under Poly East Records na kinapapalooban ng mga awiting    Feel Like Dance, Boom Para Boom, Di Na Mahal, Giling”,  at Hora, composed by Kazuhiro Watanabe and Blanktape.

Bukod sa promo ng kanilang album, regular silang napapanood sa lahat ng Padi’s Point outlets in Metro Manila. Ayon nga sa Padi’s Point marketing manager na si Paulo Dela Cruz, happy siya sa rami ng mga  positive feedback from all their customers. ”Talagang napapasaya nila ang mga tao sa galing nilang kumanta at sumayaw at dahil sa kaseksihan nila.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arron Villaflor Pater Noster

Arron Villaflor lalong dumami nagpapantasya

MARAMING beki ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo at flawless ang aktor/politiko. Subalit mas …

Bong Suntay Jasmine Curtis Smith Anne Curtis

Jasmine kinondena tinuran ni Bong Suntay laban kay Anne 

MA at PAni Rommel Placente GALIT na galit si Jasmine Curtis Smith kay 4th District Rep. Bong Suntay dahil …

Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle hindi pa handang pakasal kay Derrick

RATED Rni Rommel Gonzales APAT na taon na ang relasyon nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Pero ayon …

Ashley Ortega Mavy Legaspi Carmina Villaroel

Ashley  pinasinungalingan pangingialam ni Carmina sa relasyon nila ni Mavy

RATED Rni Rommel Gonzales MAAYOS at maganda ang sitwasyon kina Ashley Ortega at Carmina Villarroel na ina ng boyfriend …

Judy Ann Santos Jack Jeffery Mommy Carol

Juday walang palya pagbibigay salo-salo sa kaarawan ng ina 

RATED Rni Rommel Gonzales TAON-TAON ay hindi pumapalya si Judy Ann Santos, katuwang ang mga kapatid …