Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga naglalakihang artista susugod sa Sari-Sari Store Convention 2014 ng Puregold

PAGSASAMA-SAMAHIN ng Puregold ang pinaka-malalaki, pinaka-makikinang, at pinaka-iconic na celebrities sa ika-siyam na installment ng taunan nitong Tindahan Ni Aling Puring (TNAP) Sari-Sari Store Convention na gaganapin sa World Trade Center, Pasay City sa Mayo 21-25 (9:00 a.m.-6:00 p.m. araw-araw).

Ang mga artistang dadalo para ipagdiwang ang 11 matagumpay na taon ng TNAP ay pangungunahan ng mga hari ng noontime television na sina Vic Sotto at Joey De Leon; at ng Pop Star Princess at Box-Office Queen na si Sarah Geronimo. Ang iba pang mga tampok na panauhin sa convention ay ang mga young star na sina Kim Chiu, Matteo Guidicelli, Julia Barretto, at Angelica Panganiban gayundin ang mga sikat at naglalakihang banda gaya ng Up Dharma Down, Callalily, at Aegis.

Ang Tindahan ni Aling Puring Sari-Sari Store Convention ngayong taon ay isang five-day event na inaasahang mas malaki at mas bongga sa mga conventions na nauna rito sa mga nakaraang taon. Tunay na mahalagang taon ang 2014 para sa Puregold dahil ilulunsad nito ang bago at improved membership card ng Tindahan ni Aling Puring na ipinagmamalaki ang mga bago at highly-exclusive na mga benipisyo para sa mga miyembro gaya ng easier structure to earn points through their purchases at improved redemption system para sa mga fabulous freebies at prizes plus other exciting features at rewards.

Ang tema ng convention ngayong taon ay Level-AP! Eleven Years, E-Level AP and Asenso at Panalo. Layundin din ng convention ngayong taon na ipakilala ang mga magandang pagbabago na inaasam ng mga miyembro ng Tindahan ni Aling Puring.

Ipakikita lamang ng mga miyembro ng Tindahan ni Aling Puring ang kanilang membership cards upang libreng maging bahagi ng convention at maaaring mag-sign-up ang non-members bilang miyembro ng Tindahan ni Aling Puring upang sila ay makasali sa convention.

Maaaring makilahok ang mga miyembro ng Tindahan ni Aling Puring sa libreng trainings at seminars ng convention upang matuto sila ng mga mahahalagang tips at methods mula mga nirerespetong negosyo gurus tulad nina Chinkee Tan, Francis Kong, Randell Tiongson, RJ Ledesma, Anton Diaz, at marami pang iba. Bibigyan din ng Puregold ang mga top purchaser nito ng mga brand new car kagaya ng Mirage, Vios, Innova, at Altis at mamimigay din ng business utility vehicles at packages gaya ng multicabs, pick-up trucks, at mga Puregold gift certificate.

Steadfast at extremely passionate ang Puregold sa adbokasiya nito na tulungan at i-empower ang bawat Filipino na mag-level-up sa pamamagitan ng sustained na tagumpay sa kanilang mga negosyo. Tanging Puregold ang makakapag-alay ng sari-sari store and/or reseller packages na ginawa upang suportahan ang mga simple at maliliit na entrepreneur. Ang Puregold ay ang namumukod-tanging establisimyentong nagbibigay ng complete business package para sa sari-sari store start-up o relaunch kabilang ang store design at promotion, technological assistance, isang crash course sa basic retail, at exposure sa media. Sa mga nakaraang taon, ang mga sari-sari storeowners mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao ay itinuturing bilang mapagkakatiwalaang sellers dahil sa gold stamp ng Puregold at Tindahan ni Aling Puring.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …