Umabot na sa kritikal na lebel ang Angat Dam ngayong Linggo.
Dakong 1:00p.m. naitala ng National Power Corporation (NAPOCOR) ang 180.00 metro na lebel ng tubig sa naturang dam na siyang kritikal lebel ng tubig.
Sa abiso ng NAPOCOR, sa ilalim ng critical level ang alokasyon ng tubig ngayon ay para sa mga residential area muna. Hindi muna prayoridad ang patubig sa mga irigasyon.
Maaari ring mahinto ang pagsuplay ng tubig sa Bustos Dam sa Bulacan dahil nanggagaling sa Angat Dam ang tubig na makakaapekto sa kabuhayan ng mga magsasakang nakadepende rito.
Samantala, naitala sa 740.41 metro ang lebel ng tubig sa Ambuklao Dam, 569.16 metro sa Binga Dam at 238.64 metro sa San Roque Dam.
Ipinahayag ng Department of Agriculture (DA) na maghahanap na sila ng alternatibong pagkukunan ng tubig.