Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alwyn, makikipagbakbakan kay WBPF titlist Michael ‘Hammer Fist’ Farenas!

ni Maricris Valdez Nicasio

TULOY-TULOY pa rin ang maaksiyong pakikibeki ni Alwyn Uytingco sa primetime dramedy series ng TV5 na Beki Boxer. Ngayong linggo, ang dating WBPF Super Featherweight title-holder na si Michael “Hammer Fist” Farenas naman ang makakalaban niya sa ring.

Matapos ma-knockout si Marvin ”The Hammer Head” Ortega (ginampanan ni WBC Silver World Champion Denver Cuello) gamit ang kanyang tsunami punches, next level na si Rocky Ponciano (Alwyn Uytingco) at makakaharap niya nga si Farenas.

Tubong Sorsogon, Bicol Region, kilala ang 29 year old na boksingero sa kanyang agresibong style sa pakikipagboksing na nagbigay ng record na 38 wins with 30 knock-outs. Gaganap si Farenas bilang Leonado “Matador” Gonzales, isang matador-turned-boxer na kilalang nakapatay ng baka gamit ang kanyang kamao.

Malampasan kaya ni Rocky ang match na ito gamit ang kanyang Tsunami punch? O si Leonardo na kaya ang kakatay sa kanya?

Tutukan yan ngayong Lunes sa Beki Boxer, Lunes hanggang Biyernes,  7:00 p.m. bago ang  Confessions Of A Torpe sa TV5!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …