Tuesday , December 24 2024

5 itinumba sa Fairview (Sa buong magdamag)

Lima ang kinompirmang patay sa serye ng magkakahiwalay na insidente ng pamamaril sa nakalipas na magdamag sa Fairview, QC.

Ayon sa pulisya, unang pinagbabaril ng mga nakamotorsiklong suspek ang isang lalaki na kinilalang si Rodelio dela Cruz, sa tapat ng tindahan ng car accessories at tabi ng isang apartelle sa Commonwealth Avenue, sakop ng North Fairview.

Ilang minuto makalipas, isa pang biktima ng pamamaril ang iniulat sa kanto ng Regalado Avenue at Bronx Street na kinilalang si Alodia Grace Go.

Dalawang biktima pa ng pamamaril ang tumambad sa hindi kalayuang tindahan ng salamin na kinilalang sina Jelmer Gabronino at Angelee Augit Soliva.

Ayon sa mga kaanak nina Soliva at Gabronino, inutusan lamang na bumili ng gamot ang mga biktima pero hindi na bumalik dahilan para hanapin nila ang mga kaanak.

Narekober sa apat na insidente na magkakasunod na pamamaril ang mga basyo ng .9mm kalibre ng baril.

Dakong 2:00 a.m. nang pagbabarilin ng ‘di pa tukoy na suspek ang isang basurero sa southbound ng Commonwealth sa bahagi ng Pearl Drive, sakop ng Barangay Greater Fairview, na mula sa kalibre .45mm baril ang balang ginamit sa pagpaslang sa biktima.

Inaalam ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QC Police District (QCPD) ang pagkakakilanlan sa mga suspek sa unang apat na pamamaril at kung magkakaugnay ang pamamaslang.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *