Friday , November 22 2024

Laborer itinuro sa pinatay na Fil-Aussie

KILALA na ng mga tauhan ng Manila Police District – Homicide Section (MPD-HS), ang suspek sa pagpatay sa isang Fil- Aussie at panloloob sa SPA,  sa kanto ng M. Adriatico at Pedro Gil streets, Ermita, Maynila, kamakalawa.

Ayon kay SPO1 Rommel del Rosario, ng Manila Police District-Homicide Section, ikinanta ng katrahabahong pintor, ang suspek na dating nakulong sa Quezon City Jail sa kasong robbery, ang may gawa ng krimen.

”Circumstantial evidence pa lang ang hawak namin kaya hindi pa puwedeng ibigay ang detalye, masusunog ang isinasagawa naming operasyon,” ani del Rosario.

”Malaking tao ‘yong biktima at mataba pa, kaya hindi kakayanin ng isang tao lang ‘yong krimen, tiyak na me kasama yong suspek,” dagdag ni del Rosario.

Nabatid na nakiusap ang Australian Embassy na huwag munang magbigay ng detalye sa media hangga’t hindi nare-resolba ang kaso.

Matatandaang natagpuang nakatali ang mga paa, may busal sa bibig at duguan ang ulo  ng biktimang si Harry John Felipe Mackenzie, half Australian – half Pinoy, Filipina ang ina, may-ari ng Yin Yang Balanced Massage nasa 1555-H Pedro Gil corner M. Adriatico, Ermita, Maynila, dakong 9:20 a.m. kamakalawa.

Sa ulat, nawawala ang isang box na pinaglalagyan ng kita ng establisyemento.

Sa isinagawang follow-up operation sa Las Piñas ng mga operatiba ng MPD-Homicide Section, kanilang dinakip ang isa sa mga nagpipintura sa nasabing SPA na isinailalim sa interogasyon hanggang itinuro suspek na nasa likod ng krimen.

(l. basilio)

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *