KAMPANTE si Sen. Miriam Defensor-Santiago na ibabasura ng Office of the Ombudsman ang motion for reconsideration na inihain ng mga senador na akusado sa pork barrel scam kaugnay ng kapasyahan ng anti-graft court na ituloy na ang pagsampa ng kasong pandarambong sa Sandiganbayan.
“As a former RTC judge, I take the humble opinion that the separate motions did not present any new evidence or any new argument. Therefore, like most courts do with pro forma motions for reconsideration, the Ombudsman should consider them as sham, dilatory, and frivolous,” ani Santiago.
Dahil dito, hinimok ni Santiago ang Sandiganbayan na kapag naisampa ang kaso laban kina Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Ramon Bong Revilla, Jr., at Sen. Juan Ponce Enrile ay agad magsagawa ng summary proceedings kaugnay sa inaasahang paghahain ng motion to bail ng mga akusado nang sa ganoon ay agad silang makulong sakaling makitaan ng katiba-yan ang kasong may kinalaman sa kontrobersiyal na multi-billion peso pork barrel scam.
(CYNTHIA MARTIN)