Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lloydie, out na sa Home Sweetie Home?

ni  Roldan Castro

OUT na ba si John Lloyd Cruz sa hit sitcom na Home Sweetie Home. May bagong leading man na ba si Toni Gonzaga?

May paparating na isyu na mamamagitan sa dalawa ngayong Linggo. Fiesta na sa Barangay Puruntong at pangungunahan ito ng punong abala, ang Barangay head na si Jayjay (Jayson Gainza). Maraming ilalatag na activities si Jayjay at isa na Rito ang Flores de Mayo. Sa ‘di inaasahang pagkakataon, magba-backout ang isang magsasagala na siya namang magiging dahilan para yayain ni Jayjay na maging ka-partner si Julie sa parada. Pumayag si Julie, at sa paghahanda para sa piyesta ay muling maipakikita ang kanyang kagandahan.

Dahil sa lahat ng ito, nag-alangan si Romeo, at ‘di niya maatim na makita ang asawa na nakaayos pero bilang partner ng ibang lalaki. Mag-iba kaya ang relasyon ng mag-asawa dahil dito?

Alamin sa Home Sweetie Home sa Linggo (Mayo 4), na guest stars sina Jobert Austria at Candy Pangilinan, pagkatapos ng Goin’ Bulilit.

Huwag palampasin ang lahat ng ibang mga Kapamilya comedy shows dahil Sabado at Linggo, sagot ng ABS-CBN ang tawa niyo. Panoorin ang Banana Split: Extra Scoop ngayong Sabado pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya, Banana Nite tuwing weekdays pagkatapos ng Bandila, LUV U tuwing Linggo pagkatapos ng ASAP 19, at ang Goin’ Bulilit tuwing Linggo pagkatapos ng TV Patrol Weekend.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …