“SPOILED guest” si Uncle Sam sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) dahil papayagan siya ng Filipinas na esklusibong makagamit ng mga pasilidad sa mga base militar ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
“These matters would be threshed out still when we talk about the details for the agreed locations. There will be discussions for which facilities would be for joint use. If any, there may be some facilities that would be primarily used by the US,” ayon kay Defense Undersecretary at Philippine panel chief negotiator Pio Lorenzo Batino sa press briefing sa Palasyo.
Sabi pa niya, wala ring ganap na control ang Filipinas sa mga lugar na kinaroroonan ng tropang Amerikano at kanilang mga kagamitan.
“There would be protocols established because we must also respect to a certain degree the rights of our guests,” dagdag pa ni Batino.
Giit niya, tatalakayin pa sa susunod na mga araw kung kailangang bayaran ng Filipinas ang mga pasilidad na itinayo ng US sa bansa kapag nag-expire na ang 10-taon bisa ng EDCA.
Umani ng batikos ang EDCA mula sa mga militanteng grupo dahil paglabag ito sa Saligang Batas na nagbabawal sa base militar ng dayuhan sa bansa, na itinanggi ng Palasyo.
(ROSE NOVENARIO)