Saturday , November 16 2024

Sariling bunganga tinarget ng kano (Sa Makati Jethro Firing Range)

NAGBARIL sa sarili ang 60-anyos American national sa loob ng firing range ng Makati Cinema Square kahapon ng hapon sa nasabing siyudad.

Kinilala ni Makati City Police chief, Sr. Supt. Manuel Lukban ang biktima sa pamamagitan ng kanyang pasaporte na si Jeffrey Allen Klein tubong California.

Napag-alaman, dumating ang biktima sa Makati Cinema Square at pumasok sa firing range upang mag-target shoot, nang makaubos ng ilang bala muling nagpakuha sa namamahala ng target board.

Nang makaalis ang nag-assist sa biktima upang kumuha ng target board, narinig na lamang niyang biglang may pumutok at pagkaraan ay nakita niyang bumulagta ang dayuhan na duguan.

Napag-alaman, nahagip ng video camera na nakakabit sa Jethro Firing Range sa basement ng Makati Cinema Square, ang ginawang pagbaril sa sarili ng dayuhan dakong 4:12 p.m. habang kumukuha ng target paper ang range assistant.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, nakita sa CCTV footage ang pagkuha ng .9mm ng dayuhan na nakalagay pa sa kahon at itinutok sa bunganga bago kinalabit ang gatilyo.

Sinabi ni Senior Supt. Lukban, aalamin nila kung may pananagutan ang pamunuan ng firing range sa naturang insidente. (JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *