Saturday , November 16 2024

Reloading sinisi sa nasunog na army facility

MAY teorya na ang Bureau of Fire Protection (BFP) ng Taguig City hinggil sa posibilidad na naging sanhi ng sunog at pagsabog sa Explosive Ordnance Division (EOD) Battalion headquarters ng Philippine Army sa Fort Bonifacio sa Taguig City kamakalawa na ikinasugat ng 25 katao.

Sinabi ni Taguig City Fire Marshall C/Insp. Juanito Maslang, batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon, bagamat wala pang malinaw na sanhi ng pagkasunog at pagsabog, ilan sa mga teorya na kanilang ikinokonsidera ay ang isinasagawang reloading.

Napag-alaman, ang nasabing lugar ay siyang reloading station ng EOD battalion partikular ng mga bala at iba pa.

Sinabi ni Maslang, nakitaan din nila na mayroong paglabag ang Army dahil ang storage room o ang imbakan ng mga baril, bala at pampasabog ay matatagpuan lamang sa iisang gusali na sana ay hindi dapat dahil labag ito sa firecode.

Ngunit iginiit ng pamunuan ng Philippine Army na hindi imbakan ng mga bomba, baril at bala ang nasabing lugar.

Itinanggi rin na reloading station ang lugar.

Ayon kay Maslang, makikipag-ugnayan sila sa EOD ng Army para sa pagpapa-tuloy ng imbestigasyon.

About hataw tabloid

Check Also

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *