ni Peter Ledesma
Kung ating pagmamasdan ang matapang at controversial na personalidad ay chickboy ang da-ting niya. Pero sa kabila ng pagiging siga, may lihim pala si personalidad na matagal nang itina-tago sa publiko. Ito ang kabaklaan niya na hindi pwedeng i-divulge dahil malaking kasiraan hindi lang sa kanya kundi sa pamilya. Saka married at may mga anak s’yempre pandidirihan siya kapag nalaman ang kanyang other side lalo na ng sos-yalerang misis. Kaya naman sabi pa ng ating impormante, kapag kinakati si baklitang personality ay patago kung gumawa siya ng milagro. Kaso ‘yung lalaking masahista na binigyan niya ng 10K na Tip, na ang feeling niya ay tikom na ang bibig hayun ikinakalat na siya ngayon sa mga kapwa masahista. Kalokah! Sanay na sanay raw sa blow-job ang Ate nating ito at ang hindi namin ma-take ay nagpapa-anal rin daw kaya naman shocking talaga ang Papang masahista na kinuha niya. Feeling kasi ng massages boy, dahil kilala siyang palaban ay wala siyang bahid ng kabadingan pero si Darna rin pala ang peg. Well babalik pa kaya sa massage parlor ang pinag-uusapang personalidad kapag nabasa niya ang ating explosive item tungkol sa kanya. Bakit naman hindi lalo na kung dupang talaga siya sa notes.Takot ako, wala nang clue gyud!
TALENT MANAGER NA SI FERNAN DEL VALLE, BILIB SA MODELONG ALAGA NA SI IVAN ROICO HERNANDEZ
Majority sa mga model ngayon, kapag naka-kita ng taong mas well connect kaysa taong humahawak sa kanilang career ay agad-agad silang lumilipat, kaya hayun ‘yung iba sa kanila kinakarma. Pero ang newcomer model na gustong maging actor na si Ivan Roico Hernandez ay behave sa kanyang manager na si Tito Fernan del Valle. Yes, marunong tumanaw ng utang na loob si Ivan sa mga taong alam niyang nakatutulong sa kanyang career. Dahil mabait siya at masunurin, love na love siya ni Tito Fernan. Bilib naman ang nasabing talent manager sa alagang modelo dahil pagdating sa mga pictorial ng kanyang mga talent ay most favorite ng photogs si Ivan. Kasi naman bukod sa napaka-photogenic naman talaga ay mabilis pa siyang sumunod sa instructions, sa mga pose na gustong ipagawa sa kanya.
Panalo ang mga kuha niya, lumilitaw ang kanyang animalistic appeal sa retrato. At ngayon may isang director na interesado nang kunin ang serbisyo ni Ivan para sa ga-gawin niyang Indie film. Kaya naman very proud si Tito Fernan sa unti-un-ting pag-usad ng career ni Ivan na pinagkakagulohan tuwing rumarampa sa entablado sa mga sinasalihang Bikini Open Contest. Nang maka-chat namin ang nabanggit na baguhan ay napahanga rin kami sa magandang gesture nito na cool at relax lang siya sa kanyang tinatahak na career. Hindi raw siya katulad ng iba na masyadong sineseryoso ang lahat ng bagay. Kaya nga raw bagets pa ang dating niya kasi hindi siya nagpapaapekto sa mga problema o anumang pagsubok sa buhay. Basta kung ano raw ‘yung swerteng dumating na para sa ‘yo ay i-grab mo lang. Oo nga naman gyud!
ISANG LAPIS, ISANG PAPEL PROJECT NI BOSSING SA EAT BULAGA TATLONG TAON NA
Last April 28, ay ini-celebrate ni Bossing Vic Sotto ang kanyang birthday. At noong 2011 ay sinimulan ni Bossing ang kanyang “Isang Lapis, Isang Papel” Project na hiniling niya sa mga Dabarkads na instead na siya ang bigyan ng regalo ay mag-donate na lang kung anong kayang school supplies para sa mga batang mag-aaral na ang mga magulang ay walang kakayahan na ibili sila ng gamit. Laking tuwa ng sikat na TV host comedian dahil ilang araw pagkatapos niyang manawagan ay nagdagsaan na ang school supplies sa studio nila sa Broadway Centrum galing sa mga Dabarkads mula sa iba’t ibang lugar. Tumugon rin ang sikat at pinakamalaking bookstore sa bansa na National Bookstore sa panawagan ni Bossing kaya ilang truck ng mga gamit sa eskuwelahan ang ipinagkaloob ng kompanya. Ngayon ay nasa year 3 na ang nasabing proyekto ni Bossing kaya naman tuwing kaarawan niya ay labis-labis ang kanyang kasiyahan dahil bukod sa mga kasamahan sa Eat Bulaga, kaibigan at kanyang pa-milya na nakikipag-celebrate sa kanyang Natal day ay alam niyang marami rin siyang mga napapasayang mag-aaral na nabigyan nila ng school supplies tulad ng lapis, papel, ballpen, notebook, coloring, bags etc.
Sa ngayon ay patuloy pa rin tumatanggap ng donation si Bossing para sa nalalapit na pasukan. Kaya kung nakaluluwag naman kayo sa buhay, tumulong tayo at makiisa sa magandang layunin ni Bossing at ng Eat Bulaga.