ni Ronnie Carrasco III
KUNG si Rosanna Roces marahil ang in-on the spot ni Lolit Solis sa Startalk—well, during their happier times—na makipagbati na sa nakaaway nitong si Sabrina M, for sure, it would have been the last episode of the program!
Kilalang hindi sinasala ni Osang ang bawat salitang ibinubuga ng kanyang bibig lalo’t kung may kaaway ito.
Ito ang dahilan kung bakit kahit may hatid na aliw factor ang pang-aaway ni Osang sa mga manonood, her invectives are not MTRCB-friendly.
Sa nakaraang episode ng Startalk, out of the blue during the opening segment ay “pinagtripan” ni ‘Nay Lolit ang co-host niyang si Heart Evangelista.
She butted in, “Teka muna, ‘di ba si Heart, nagpe-painting? Tapos, si Marian Rivera, nagpe-painting din? So, magkabati na kayo, ‘no!”
If it were Osang, she would have taken offense at ‘Nay Lolit’s motherly advice. Pero nagkataong si Heart ‘yon who smilingly said, “Collaboration..in time,” na walang bahid man lang ng pagkairita o pagkapikon sa paulit-ulit na lang na isyu ng kanilang pagbabati ng naturang aktres.
May breeding kasi.