John Fontanilla
MAGIGING happy ang mga tagahanga ng maituturing na pinakasikat na teenstars sa bansa na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil balitang baka pumasok ang dalawa sa Bahay ni Kuya (PBB house), ayon na rin sa official account ni Direk Laurenti Dyogi (ABS-CBN TV Production Head).
Masyadong na-miss na raw kasi ng mga tagahanga nito ang mapanood ang dalawa sa panggabing palabas sa ABS-CBN lalo na‘t tapos na ang kanilang top rating show na Got To Believe kaya naman kung magkakatotoo ito ay pihadong mas taas ang rating ng nasabing reality show ng Dos sa rami ng followers ng dalawa.
Bukod kina Kathryn at Daniel baka pumasok din daw sa Bahay ni Kuya sina Coco Martin, Sarah Geronimo, John Loyd Cruz, at Sandara Park . Pero sa mga nabanggit na pangalan, nangunguna na si Kathryn sa nagpahayag ng pagkagusto na pumasok at subukan ang buhay sa loob ng Bahay ni Kuya.
Tweet nga ni Direk Laurenti, ”Daming wish list na celebrity guests sa PBBALLIN. Hoping for kathniel, Coco Sarah, JLC [John Lloyd Cruz] and Sandara [Park]. Let‘s wait n see.”
Ang tanong, bukod kay Kathryn sino pa sa mga nabanggit ang willing na pumasok sa Bahay ni Kuya?