Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Batchmates, panalo sa hatawan at kaseksihan

ni  Nonie V. Nicasio

MAY ibubuga sa singing and dancing ang grupong Batchmates na itinatag ng kilalang talent manager na si Lito de Guzman. Bukod dito, talagang palaban sa kaseksihan with matching extended bumpers ang anim na miyembro nitong binubuo nina Aura, Cath, Jonah, Marie, Sophy, at Vassy.

Nagpakitang gilas ang Batchmates sa kanilang grand launching noong May 5, 2014 sa Padis Point, Tomas Morato para sa kanilang self-titled album at nakita namin kung gaano ka-talented ang grupong ito. May boses sila at hanep din sa hatawan sa dance floor.

Nagseseksihan at panlaban sa laki ang mga boobsie ng mga miyembro ng Batchmates kaya hindi maiiwasan na ikompara sila sa isa pang all-female group, ang Mocha Girls.

Kaya inusisa namin ang manager nila kung game ba silang makipagsabayan sa Mocha Girls. “Sana ay makasabay, kasi ang Mocha Girls ay matagal na rin iyan at naka-ilang album na rin sila. Pero hindi sila magpapatalbog sa Mocha sa paseksihan at sa talent. Kasi ay well equipped na ang Batchmates, bago ko sila inilabas ay okay na ang vocals nila, sayaw nila, at flexibility nila.”

Tinanong naman namin ang dalawa sa member ng Batchmates na sina Vassy at Aura kung ano ang comment nila sakaling pagsabungin sila ng grupo niMocha Uson.

“Hindi kami nandito para makipag-compete, pero siyempre, hindi rin naman kami magpapatalbog sa Mocha Girls Kasi kung ano ang mayroon sila, mayroon din naman kami e. Pero ‘yung mga tao ang magja-judge,” saad ni Vassy.

Ayon naman kay Aura na dating member ng Mocha Girls, “Gagawa kami ng sarili naming ingay para makilala kami ng mga tao, pero hindi kami magpapatalbog siyempre.”

Ang kanilang album ay naglalaman ng mga awiting siguradong kagigiliwan ng mga makikinig, bata man o matanda. Nakapaloob sa album nila ang Feel Like Dance, Boom, Boom Para Boom, Di na Mahal, Giling, at Hola. Released under PolyEast Records, ito’y available na ngayon sa lahat ng Odyssey atAstroplus outlets.

Bago pa man na-release ang album ng Batchmates ay nakapag-perform na sila sa  Singapore at Malaysia. Nakatakda rin silang mag-show sa Japan.

Sa rami ng artistang hinawakan ni Lito tulad ng Baywalk Bodies, Milkmen,Wonder Gays, Ynez Veneracion, Hazel Espinosa, malamang na sumikat din ang Batchmates.

Ayon pa kay Lito, “Malaki ang potensyal ng Batchmates, kaya alam ko na makilala sila sa industriyang ginagalawan nila kasi tiwala ako sa kanilang galing at talent, isama pa natin iyong sipag at tiyaga nila sa training nila araw araw.”

MIKE MAGAT,  BALIK-PELIKULA  SA FULL MOON

MULING aktibo na naman sa pag-arte si Mike Magat. Matatadaang pansamantala siyang nawala sa sirkulasyon at nagbalik kailan lang via My Husband’s Lover. Tapos nito ay nagkaroon siya ng ilang guestings sa ilang TV shows.

Pero ngayon ay balik-pelikula na si Mike sa pamamagitan ng Full Moon. Kasama rin sa pelikula sina Derrick Monasterio, Barbie Forteza, Ricardo Cepeda, Eric Fructuoso, Selina Sevilla, at marami pang iba.

“Horror love-story, action, light comedy po ito. Bale ako iyong bida-kontabida rito,” saad ni Mike.

“Lahi namin ni Derrick ay mala-Immortal at naghahasik kami ng lagim kapag Fullmoon. Bawal umibig sa mga immortal pero nanaig ang pag-iibigan nina Derrick at Barbie at na in-love sa isat isa. Sinuway nila si ako as senor Madrid, kaya kami ang nagpatayan dito,” paliwanag pa ng dating sexy actor.

Ang Fullmoon ay mula sa direksiyon ni Dante Pangilinan. Ito ay produced byLovelly Nell Entertainment at showing na ito ngayon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …