Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Parks umalis na sa NLEX

KINOMPIRMA kahapon ng team manager ng North Luzon Expressway na si Ronald Dulatre ang pag-alis ng isa sa mga pambato ng Road Warriors na si Bobby Ray Parks patungong Amerika upang atupagin ang kanyang balak na maglaro sa NBA.

Ayon kay Dulatre, malaking kawalan para sa NLEX si Parks dahil sa mga kontribusyon niya sa koponan na hanggang ngayon ay wala pang talo sa PBA D League Foundation Cup.

Umalis na si Parks noong Abril 30 pagkatapos na tapusin niya ang kanyang pag-aaral sa National University.

“When we got Rayray, he told us of his future plans and we support whatever he does,” wika ni Dulatre. “We will be happy for him if he does join the NBA.”

Naunang sinabi ni Parks na nais niyang makatapak sa NBA bilang pangako niya sa kanyang yumaong amang si Bobby Parks, Sr. na namatay dahil sa kanser noong isang taon.

Dahil sa pangyayaring ito, malabong makasali si Parks sa PBA Rookie Draft sa Agosto kung saan isa sana siya sa mga manlalarong kukunin ng NLEX para sa una nitong kampanya bilang expansion team ng liga sa susunod na season.

“Right now, we are still awaiting word from the PBA board on what kind of concessions we will get for our PBA team,” ani Dulatre.   (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

PSC

Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA, Thailand – Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 …