Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kuya Germs, 51 taon na sa showbiz pero aktibo pa rin!

ni  Ed de Leon

IPINAALALA sa amin ni Kuya Germs noong isang araw, 51 years na nga pala siya sa showbusiness. Bihira sa ating mga artista ang tumatagal nang ganyan at nananatiling active pa rin. Hindi na ibinilang ni Kuya Germs ang panahon ng kanyang pagsisimula sa Clover Theater, dahil hindi pa naman siya artista noong panahong iyon. Nagsimula lang siyang magbilang noong maging artista na siya saSampaguita Pictures noong 1963.

Pero ang sinasabi nga niya, ang pagtatagal sa showbusiness ay bale wala kung wala ka rin namang magagawa para sa industriya, kaya iyon daw ang kanyang pinagsikapan nang husto. Hindi siya nagsikap para kumita lang ng malaking pera. Actually hindi niya ginamit sa personal na ambisyon ang napakaraming pagkakataong dumaan sa kanya. Sa halip noong una ang kanyang sinikap ay maka-discover at tulungang mapasikat ang mga kabataang may talents. Naniniwala kasi si Kuya Germs na para magpatuloy ang showbusiness, kailangan talaga na makapag-build up ng maraming stars.

Totoo naman iyon. Kaya nga sinasabi naming counter productive ang ginagawa ng ilan, lalo na ng mga singer na medyo may edad na, na talagang halata mong pinipigil ang mga baguhan hanggang maaari para mapanatili nila ang kanilang popularidad. Ang nangyayari tuloy, mas nalulusutan pa sila ng mga non-singer, iyong mga sinasabi nilang hindi marunong kumanta, at hindi nila naharang, pero biglang lumusot at sumikat. Kasi nga sawa na ang mga tao sa kanila at hindi nila matanggap iyon.

Eh si Kuya Germs, ang ginagawa niya tuloy-tuloy lang ang build up.

Tapos nang makapag-build up na, ano naman ang kanyang isinunod? Iyon namang pagbibigay karangalan sa mga artista. Nagsimula siyang magbigay ng isang youth achievement award sa pakikipagtulungan ng FAMAS. Tapos nagtayo naman siya ng Walk of Fame. Aba ngayon ay mas marami ang makakapansin sa Walk of Fame na iyan ni Kuya Germs, dahil doon din sa Eastwood binuksan ang unang simbahan para kay St. John Paul II.

Ano pa nga ba ang ambisyon ni Kuya Germs after 51 years?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …