Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JC sa kotse na natutulog dahil sa kabi-kabilang taping

ni  ROLDAN CASTRO

NAGKAROON ng sariling presscon si JC De Vera na patawag ng kanyang manager.

Hindi kasi nakasipot si JC sa presscon ng So It’s You dahil may taping siya ng Moon of Desire sa Batangas.

Sa kotse na nga siya natutulog dahil sa taping niya ng Legal Wife at MOD kaya wala raw siyang oras sa lovelife niya.

Hindi ba niya binabalikan ang nagiging ex niya gaya ni Danita Paner na kamakailan ay  nakita namin sa Rejuva SPA sa Timog at may nagpahatid ng bulaklak? Ganyan kasi ang role niya sa So It’s You na binabalikan si Carla Abellana.

“In good terms naman ako sa lahat ng nakarelasyon ko. So siyempre, hindi mo maiiwasan na mag-uusap kayo. Hindi mo rin mapipigilan ‘yung mangyayari sa future, ‘di ba? So halimbawa, mayroon akong  ex na naging friends ulit kami tapos nagka-okey, nagkamabutihan, posible ‘di ba?

“Siyempre kung mayroon ka mang matipuhan sa taping hindi rin naman puwede dahil puyat -puyat ka na nga didiskarte ka pa? Hindi siya good timing na pumasok ‘yung lovelife talaga.Tulad nga ng sabi ko rati, wala na nga akong time para sa sarili ko dahil sa sobrang dami ng work ko ngayon.

“‘Pag nagka-time naman ako, siyempre ibubuhos ko ‘yun sa family ko muna. First option ko sila, ‘di ba? Secondary, yung friends ko. So, saan ko ipapasok ‘yung lovelife ko?

“Minsan lang dumating itong magagandang opportunity sa akin at sa career ko, so gusto kong dito muna mag-focus. Malay mo next year hindi ko na magawa ito, ‘di ba?”

Totoo bang nadi-develop na  siya sa leading lady niyang si Meg Imperial sa Moon of Desire? Nagpaparamdam na ba siya sa sexy star?

“Wala namang pahaging o palipad-hangin talaga,” sambit ni JC. “Umaabot lang minsan sa point na nagiging sweet kami sa isa’t isa kasi parang kailangan naming mag-internalize. Kasi hindi ko naman talaga siya kakilala talaga o nililigawan before. So siya, stranger siya sa akin dati. Kaya minsan kailangan mo talaga siyang yakapin para ma-feel mo ‘yung character ninyo sa story. Hanggang doon lang ‘yun. Pero it doesn’t mean na hindi ko gusto si Meg. Ano lang talaga sa ngayon naka-focus talaga ako sa work, doon lang talaga,” aniya pa.

Hangang-hanga rin si JC kay Ellen Adarna na kasamahan din niya sa MOD. Class ang personality ni Ellen kahit Sex Goddess ang image nito.

Ano ang reaction niya sa pagbibiro ni Ellen na willing niyang iwanan ang boyfriend para kay JC? Natawa lang ang actor dahil madalas daw niyang nakikita ang boyfriend ni Ellen sa taping nila.

Aminado ang actor na matindi ang karisma at alindog ni Ellen.

Talbog!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …