Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Japanese trader dedo sa tandem

DEDBOL ang isang Japanese trader  nang pagbabarilin ng rider in tandem habang nagmamaneho ng kanyang kotse kamakalawa ng gabi sa Parañaque city.

Patay noon din ang biktimang si Hiroshi Iwasaki, 49-anyos, negosyante, ng 51 Don Santiago Freixas Street, Alabang, Muntinlupa City.

Sa ulat ni SPO1 Israel Perez, imbestigador, kay Supt. Ariel Andrade, dakong 9:25 p.m. nang mangyari ang pamamaril sa Dr. A. Santos Avenue, Barangay San Antonio.

Sa ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang Nissan Exalta (XEA-602) at mag-u-turn patungong BF Homes nang bumaba ang lalaking nakaangkas sa kulay itim Yamaha Mio motorcycle na walang plaka at binaril sa ulo si Iwasaki ng kalibre .45 baril.

Nabatid na si Iwasaki ay may-ari ng Fresh Tour Incorporated, sa Dusit Hotel, Makati at matagal nang naninirahan sa bansa, kasama ang mga anak at asawang Filipina.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa pagpatay at pagkakakilanlan sa dalawang suspek na posibleng killer for hire. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …