PATAY ang 66-anyos retiradong pulis at dating hepe ng Department of Public Safety Traffic Management (DPSTM) nang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek kamakalawa ng umaga, sa Caloocan City.
Dead on arrival sa Commonwealth Hospital ang biktimang si Eduardo Balanay, ng Block 6, Lot 24, Brgy. 177, Camarin, sanhi ng tatlong tama ng bala ng kalibre .45 sa ulo at dibdib.
Pinaghahanap ang suspek na kinilala sa alyas na alyas Mac-Mac, miyembro ng isang gun for hire group, na mabilis na tumakas matapos ang krimen.
Sa ulat ni SPO1 Allan Budios, may hawak ng kaso, dakong 6:30a.m. nang maganap ang pamamaril sa harap ng bahay ng biktima.
(rommel sales)