Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bettina, bagong babae raw ni Raymart?

ni  Roldan Castro

ITINANGGI ni Bettina Carlos na siya ang bagong babae ni Raymart Santiago.

Hindi raw totoo na siya ang ipinalit ni Raymart kay Claudine Barretto.

Hindi raw siya marunong magluto kaya hindi rin totoo ang isyung lagi niya itong dinadalhan at sweet na sweet sa set.

Si Bettina na raw ang ipinalit ni Raymart kay Claudine. Si Bettina na kahit may 3-year old na anak na ay dalaga pa rin. Magkasama ang dalawa sa isang show ng GMA 7 kaya posible raw na nagkadebelopan ang mga ito.

Natuwa naman kami kay Bettina dahil hindi siya katulad ng ibang artista na ‘pag may pumuputok na isyu, hindi na halos makausap sa mga text o tawag. Sinagot ni Bettina ang tawag namin sa kanya although at first, nagsabi ito na ‘wag na lang daw sagutin at baka humaba lang.

Sabi naman namin sa kanya, mas maganda pa rin kung mabibigyang linaw niya ang isyu sa kanila ni Raymart ngayon.

“Wala naman po kasi talaga.  Ang talagang may namumuo po, kina Janice at Felix, pero, sa amin, wala! Ha! Ha! Ha!” sey ni Bettina.

Sila raw kasi ang may love interest sa isa’t isa sa isang show kaya raw siguro sila naiisyu.

Itinanggi rin ni Bettina na madalas niyang ipagluto ng pagkain si Raymart at sweet-sweetan sila sa set.

Wala raw rason na magalit sa kanya si Claudine dahil wala siyang ginagawang masama.

‘Yun na!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …