ni Maricris Valdez Nicasio
ANG isa pang teleseryeng paganda rin ng paganda ay itong Mirabella na pinagbibidahan ni Julia Barretto. Bukod sa maganda ang istorya, mabilis din ang pacing nito at magagaling din ang mga artistang nagsisiganap.Sa kuwento’y gumanda na rin si Mira sa tulong ng yellow flower. Ang dating Mira ay naging Bella na ngayon. Exciting ang part kung paano niresbekan ni Mira (bilang Bella) ang mga umapi sa kanya. Maririnig natin na sinasabi ni Mira na, “Beauty is my revenge!”
Nakakikilig naman ang tagpong inamin na ni Jeremy (Enrique Gil) na mahal niya si Mira. Sa totoo lang, marami ang nainggit sa tagpong iyon kay Mira.
Nagsimula na rin ang paghahanap kay Bella. Isa kasing beauty line ang nagnanais na makuha siya para maging brand ambassador, bongga! At isa si Jeremy sa binigyan ng responsibilidad ng owner ng company para hanapin si Bella at dalhin sa kanya. Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Jeremy sa oras na makaharap na niya si Bella? Exciting ha!
Sa magandang nangyayaring ito sa teleserye ni Julia, pinatutunayan lang niyang she is worthy of the build up na ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN. She now belongs to the league of ABS-CBN’s teen drama princesses.