Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

80’s era ng Ikaw Lamang, tiyak na mas exciting!

ni   Maricris Valdez Nicasio

TOTOO ang sinasabi ng karamihang tumututok sa Ikaw Lamang na dapat ay ‘wag pumalya sa pagsubaybay ng teleseryeng ito ng ABS-CBN2 dahil mabilis ang mga pangyayari. Matapos ang kasalang Isabelle (Kim Chiu) at Franco (Jake Cuenca), kaabang-abang ang mga susunod na magaganap sa buhay mag-asawa nila.

Kung atin matatandaan, pumayag si Isabelle sa kasunduang pakakasal siya kay Franco basta’t walang anumang mangyayari kay Samuel (Coco Martin). Pero hindi naman iyon nangyari dahil ipinapatay si Samuel ni Maximo (Ronaldo Valdez).

Pero nabuhay si Samuel dahil naisalba ito ng paring dapat ay magkakasal naman sa kanila ni Isabelle.

Ngayong mag-asawa na sina Isabelle at Franco, mabuhos na kaya ang atensiyon ni Samuel kay Mona (Julia Montes) na wagas din ang pagmamahal kay Samuel?

Sa mga pangyayaring ito, papasok na sa bagong era ang Ikaw Lamang. Ito ay ang pagpunta naman sa 80’s look. Tiyak na exciting ito para sa  fans ng Ikaw Lamang, lalo na ‘yung mga nakasubaybay talaga simula pa lang. Kung wagi ang 60’ at 70’s look, tiyak na mas exciting ang 80’s era. And for sure tulad ko, marami ang makare-relate sa era na ito.

Sa tatlong dekadang ipinakikita sa Ikaw Lamang, masasabing bongga ang master seryeng ito dahil ito lamang ang tanging teleserye na mayroong iba’t ibang era na tinanggap ng viewers. Kasi naman ‘di ba, usually, ang pagbabago ng era sa mga teleserye ay nangyayari  sa back story lang. Pero rito sa Ikaw Lamang,buong-buong ipinakita ang mga kaganapan noong 60’s, 70’s, at ngayon ay ang 80’s.

Kaya naman ito na yata ang period teleserye na nagtagumpay at number one primetime show pa. Hindi naman nakapagtataka dahil napakaganda naman talaga ng Ikaw Lamang! Patunay nito ay ang pangunguna sa rating games na hindi pumapalya ang taas ng ratings.

Bukod sa istorya, hindi rin matatawaran ang galing ng mga nagsisiganap mula kina Coco, Kim, Jake, at Julia, nariyan din ang walang katulad na performance nina Cherry Pie Picache, Ronaldo, John Estrada, Angel Aquino at marami pang iba.

Kaya tutok lang sa Ikaw Lamang, gabi-gabi pagkatapos ng Dyesebel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …