Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

5 tauhan ng RWM towing inasunto (Hinatak na sasakyan ‘kinarne’)

NAHAHARAP sa kasong pagnanakaw ang limang tauhan  ng towing company   nang kanilang ‘karnehin’ ang mga spare parts ng sasakyan na kanilang hinatak, kamakailan.

Sa report  ng MPD-District Tactical Operations Center,  tinutugis ang mga suspek na sina Jeff Mercullo, Alex Tomas, Cedie Sanchez, Anthony Navez at Jon Buen, mga tuhan  ng  RWM Towing Services na may tanggapan sa A. Mabini St.,  Malate, Maynila.

Ang mga suspek ay kinasuhan ng theft at malicious mischief  sa MPD General Assignment Section ng complainant na si Ruel Lapid, 30,  ng Block 30, Lot 20-A Barangay 14, Caloocan City.

Ayon sa  biktima, dakong 9:00 a.m. noong May 6, nang hatakin ng mga suspek ang kanyang sasakyan na may plakang WFC-183 saka dinala sa impounding area  sa A. Mabini St.

Para matubos, naghagilap ng pera si Lapid ngunit nang balikan ang kanyang sasakyan  ay sira na umano ang compartment at nawawala na ang mahahalaga niyang gamit.

Humingi ng saklolo sa pulisya ang biktima ngunit pagdating  nila sa impounding area ng towing services ay nagpulasan bigla ang mga suspek.

(leonard basilio)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …