Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jordanian arestado sa extortion

PATONG-patong na kaso ang isinampa laban sa Jordanian national na nangikil sa isang Pinay na nag-apply papuntang Dubai at tangkang paglaban sa isang pulis Maynila, kamakalawa ng hapon.

Nakapiit na sa Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS), ang suspek na si  Salah Jomuah Sulaiman Abou, alyas Sammy Sara, 52, ng 801 Craig St., Sampaloc.

Inireklamo ang suspek nina Hazel Quinto, 36; Janette Collado, 26; ng 1207-G Tayabas St., Tondo,  at ni PO1 Gilbert Lim, ng MPD.

“Nainip na kasi ang pamangkin ko sa pangako ni Sammy na makaaalis na siya papuntang Dubai, kaya binawi na ‘yong kanyang passport at nakipagkita sa Robinson’s kapalit ng P3,500,” ani Quinto.

Nabatid na nagkita sa Robinson’s si Collado at ang suspek para mabawi ang pasaporte. Akmang ibibigay na ni Collado ang pera kay Sara pero inawat siya ni Quinto.

“Nagalit siya, sinuntok niya ako sa likod, minura ng ‘p…ina ka, bobo ka,’ kaya napasigaw ako sa sakit,” salaysay  ni Quinto.

Nakita ni PO1 Gilbert Lim ang komosyon kaya nilapitan niya ang tatlo pero isinalya siya ng suspek at sinabihan pa ng “Abnormal, abnormal where is your ID!”

Dahil dito, agad pinosasan ni Lim ang nanlalaban na suspek at saka dinala sa MPD-GAS.

Nahaharap  sa kasong illegal recruitment, scandal and alarm, phy-sical injury, robbery extortion at resisting arrest ang suspek sa Manila Prosecutors’ Office.

(leonard basilio, Camille I. Bolos, Nikki-Ann Q. Cabalquinto, Antonio C. Maaghop, jr., Bhenhor M. Tecson, Lara Liza M. Singson)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …