ni Rommel Placente
KUNG noong 80’s ay magkalaban sa popularidad sina Gary Valenciano at Martin Nieverra, ngayon ay talagang best of friends na sila. Kapag may concert ang una ay nanonood ang huli and vice versa.
Sa nagdaan ngang two-night concert ni Gary na ginanap sa Araneta Coliseum billed as Arise: Gary V 3.0 ay dalawang gabi rin itong pinanood ni Martin. Talagang sinuportahan niya ang concert ng kanyang kaibigan.
Anyway congrats kay Gary V sa tagumpay ng kanyang concert. Napanood namin ito at puno ang Araneta Coliseum, huh! Nag-enjoy din kami sa concert dahil sa husay na performer ng nag-iisang Gary V. Siya pa rin talaga ang may hawak ng titulong Mr. Pure Energy dahil sobrang energetic pa rin siya.