Saturday , November 23 2024

Daliri ni PNoy ‘ubos’ na sa pinaslang na journalists (Saan pa bibilangin sa kanyang administrasyon?)

KUNG ang mga pinaslang na mamamahayag ay itinala at ibinawas sa mga daliri ni Pangulong Benigno Aquino III, ubos na ito ngayon, at lumabis pa nang pito, mula nang maging pangulo ng bansa ang unico hijo nina democracy icon at dating Pangulo Corazon Aquino at dating war correspondent at Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino, Jr.

Ito ang inihayag ni Alab ng Mamamahayag (ALAM) national chairman Jerry Yap kaugnay ng pagpaslang sa broadcast journalist na si Richard Nadjid, 35, may-asawa at limang anak, nitong nakaraang Mayo 4, sa kanilang tahanan sa Bongao, Tawi-Tawi, isang  araw  matapos  ipagdiwang ang World Press Freedom Day.

Nawalan na ng padre de familia, nakaramdam pa ng labis na pang-iinsulto ang pamilya ni Nadjid nang balewalain ni Tawi-Tawi police provincial director Senior Supt. Joselito Salido ang pamamaslang at sabihin na “disc jockey ‘lang’ hindi journalist” ang biktima.

Kung ika-27 si Nadjid sa mga mamamahayag na pinaslang sa ilalim ng administrasyon ni Aquino, ikalawa naman siya sa Tawi-Tawi kasunod ni Vicente Sumalpong na pinaslang nong Hunyo 25, 2007, production supervisor ng Radyo ng Bayan.

Minaliit ni Salido si Nadjid, na habang namamahala sa DxNN Power Myx FM station sa Bongao bilang disc jockey, ay responsable rin sa regular na pang-umagang balita at public affairs program ng estasyon.

Bago lumipat sa Power Myx, siya ay nag-uulat para sa DxGD AM, sa nasabi rin lalawigan.

Hindi pa natutukoy ng pulisya ang motibo ng pagpaslang sa mamamahayag pero sinabi ni Babylyn Kano, station manager ng DxGD AM na ang pagpaslang kay Najid ay pinaniniwalaan ng mga awtoridad na may kinalaman sa kanyang pagtayong saksi sa isang drug bust na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency nitong nakaraang buwan.

Nabatid din sa ulat ng Interaksiyon.com, si Nadjid ay kilalang hard-hitting broadcast journalist.

Ang Powermix FM ay pag-aari ng pamilya Sahali aktibong pamilya ng politiko sa lalawigan.

Ayon kay Yap, dapat nang tigilan ni PNoy ang pagbibilang dahil ‘ubos na ang daliri’ niya sa mga mamamahayag na pinapaslang sa ilalim ng kanyang administrasyon.

“Simulan na ni PNoy ang tunay na aksyon para wakasan ang talamak na pamamaslang hindi lang sa hanay ng mga mamamahayag kundi sa iba pang sektor sa lipunan na biktima ng mga taong walang pakundangan sa buhay ng bawat indibidwal para lang proteksiyonan ang pagkaka-sangkot nila sa iba’t ibang uri ng korupsiyon,” diin ni Yap.

Sa pinakahuling ulit, nanatili ang Filipinas sa ikatlo sa mga pinakadelikadong lugar para sa mga journalist. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *