Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Zsa Zsa, nadesgrasya?

ni  Roldan Castro

NALOKA kami sa tawag na natanggap namin at nagtatanong kung totoong tsugi na si Zsa Zsa Padilla. Nadesgrasya raw ito sa daan kasama ang kanyang driver pagkagaling sa taping.

Hindi naman ito pumutok agad sa social media at maging sa mga showbiz web site kaya sa palagay namin ay false alarm.

Kung grabeng  nadesgrasya si Zsa Zsa, imposibleng  hindi pagpistahan ‘yan sa news, ‘di ba?

ATE VI, WALANG TIME SA MGA VILMANIAN NA GUMAGAWA NG GULO

TAMA lang naman na hindi makisali si Governor Vilma Santos-Recto  sa kagagawan ng isang dating writer–Vilmanian, na lumikha ng gulo at samaan ng loob nina Nora Aunor at Coco Martin.

Sey raw ni Gov Vi, “’wag na patulan ang ganyang isyu..Kumbaga, count your blessings.” At sa rami ng mga iniintindi niya sa Batangas City, hindi nga naman kailangan pang bigyan niya ng atensiyon ang kadiwaraan ng isang fan niya na hindi maka- move on sa rivalry ng Nora-Vilma.

Ang nakakaloka, muntik nang mademanda ang writer na naniwala at pumatol sa kuwento ng isang Vilmanian.  Kaya ang leksiyon diyan, ‘wag ulit patulan ang ikinakalat na isyu ng baklitang ‘yan.

‘Yun na!

ALEXA AT NASH, MAGBIBIDA NA DAHIL PATOK ANG LOVETEAM

PATOK ang love team nina Alexa Ilacad at Nash Aguas sa Luv U kaya balitang sila ang magbibida sa seryeng Inday Bote, Maricel Soriano ang peg?

Nagbunga ang pag-build up ni Direk Bobot Mortiz sa dalawa.

“Sa Goin Bulilit pa lang po ginu-groom na kami ni Nash bilang loveteam,” sey ni Alexa na noon pa man ay tinutukso ang dalawa na crush nila ang isa’t isa.

Maalaga raw si Nash bilang ka-love team at marami rin siyang natutuhan.

Talbog!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …