Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yasmien, Polycystic kaya ‘di pa puwedeng sundan si Ayesha

ni  John Fontanilla

KAHIT malaki na ang baby girl ni Yasmien Kurdi na si Ayesha Zara Kurdi Soldevilla ay wala pa raw itong balak sundan dahil na rin sa Polycystic siya at mahihirapang mabuntis.

Tsika ni Yasmien, “Hindi, wala pa, una sa lahat Polycystic ako hindi pa siya nati-treat, so mahirap ako magka-baby.

“And then pangalawa hindi pa rin kaya, medyo malaki na siya pero mahirap pa rin.

“Like ‘yung gastos and everything gusto ko munang mag-focus kay Ayesha.

“And hindi naman ako nagmamadali kasi ang bata ko pa, I`m only 24 and alam mo ‘yan hanggang 35 years old pa ito, ha ha ha puwede pa.

“If ever naman kasi ang gusto ko dalawa lang and then were done tapos na, mas maganda kasi ‘yung dalawa lang mas nabibigyan mo ng oras at mas magandang future kasi dalawa lang sila.

“Maganda sana yung magiging 2nd baby ko boy para may boy ako at girl, pero if girl pa rin let see what will happen ha ha ha.

“At saka sa hirap ng buhay ngayon kailangan practical ka, mahirap ‘yung anak ng anak tapos hindi masusuportahan kawawa naman ‘yung mga bata,” mahabang tsika ni Yasmien.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …