Tuesday , December 24 2024

Tambay na tatay nagbitay patay (Sa ika-10 suicide)

NATULUYAN din sa ika-10 pagpapakamatay ang isang padre de familia na nagdaramdam dahil hindi niya maramdaman ang pagmamahal mula sa kanyang pamilya, sa Sta. Mesa, Maynila, iniulat kahapon.

Dead on arrival sa Ospital ng Sampalok ang biktimang si  Manuel Eleazar, ng Domingo Ampil Street, Sta. Mesa matapos matagpuang nakahandusay sa sahig at may nakapulupot na kable sa leeg.

Sa imbestigasyon ni PO2 Crispino Ocampo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 2:30 p.m. nang natagpuan ng mga kaanak ang bangkay ng biktima.

Ayon kay Nora Eleazar, pang-10 ulit na nagtangkang mag-suicide ang biktima.

Nag-iwan ng suicide note ng biktima, na naglalaman ng mga sumusunod:  “Ang dios na ang nakakaalam na tunay na pangyayari sa buhay ko dito sa Sta Mesa wala talaga tunay na nagmamahal ang pamilyang  ito parang bahay bahayan lang ito minahal ko sila hanggang apo pero wala sa kanila, maraming salamat sa inyong pakain sa akin, pera talaga ang katapat ng tao.”

(leonard basilio, Camille I. Bolos, Nikki-Ann Q. Cabalquinto, Antonio C. Maaghop, jr., Bhenhor M. Tecson, Lara Liza M. Singson)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *