Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nang-hostage sa Cubao todas sa parak

NATAPOS sa madugong komprontasyon ang nangyaring hostage-taking kamakalawa sa Quezon City.

Namatay noon din sanhi ng mga tama ng bala ng baril sa katawan ang hostage-taker na kinilala sa alyas  Edwin, dating tindero.

Sa ulat ni PO1 Rogelio Corpuz ng Quezon City Police District (QCPD) Station 10, nangyari ang eksena bandang 6:00 p.m. sa Aurora Blvd., Cubao.

Nabatid, unang ini-hostage ng suspek ang isang matanda na nakahulagpos agad, kaya’t pinagbalingan niya ang biktimang si Joanna Tipay, 14-anyos, residente sa nasabing lugar.

Makalipas ang ilang minuto, nagresponde ang mga awtoridad at dito tinangkang payapain ang suspek na hostage pa ang biktima.

Sinasabing nagtangkang sumakay sa isang dyip ang suspek habang hawak-hawak niya ang dalagita kaya’t dito na siya pinutukan ng mga awtoridad naging sanhi ng kanyang kamatayan. (JETHRO SINOCRUZ)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …