Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nakadedesmaya ang chakang retoke!

ni  Pete Ampoloquio, Jr.

Hahahahahahahahaha! Minsan, iyang pagpaparetoke ay nararapat din pag-isipan nang husto.

Kadalasan kasi, sa halip na makatulong para mag-improve ang hitsura ng isang tao, ito’y nakasasama (hayan lukring na Fermi Chakita, salitang ugat ang inuulit, humal na chakah! Hahahahahahaha!).

Huwag na tayong lumayo, ito na lang bonggacious kumantang diva, na noo’y kina-insecure-ran ng isang flawless at gandarang diva na ageless pa rin ang dating kaya nakahipat na naman ng bagong ricang papa (nakahipat ng bagong ricang papa raw talaga, o! Hahahahahahahaha!), sa nagbalik-Pinas to do a series of shows and an album as well ay talaga namang nakalulungkot ang naging outcome ng pagpaparetoke.

Sa isa sa kanyang TV guestings, ipinakita ng may pagkalukring na TV host ang kanyang sensational pic prior to her retokes and much to our amusement, she was a lot better looking then than now. Hahahahahahahahahahahahahahaha!

Oo nga’t unfading ang kanyang musicality at birit kung birit pa rin ang kanyang drama at hindi kayang talbugan ng mga reigning faves sa local entertainment scene, pero nawala ang matinding arrive at respeto sa kanya dahil naging katawa-tawa ang kanyang itzu sa ngayon na very Avataric ever.

Hahahahahahahahahahahahaha!

Kung dati’y parang appealing asian woman ang kanyang projection, these days she looks like a cartoon character with her bulbous nose (bulbous nose raw talaga, o! Hahahahahahahaha!) and amusing facial features.

Amusing facial features raw talaga, o Hahahahahahahahahaha!

Nag-flashback tuloy sa amin ‘yung isang sikat na aesthetician na sa kagustuhang bumata at mas maging kaaaya-aya ang itzu ay kung anik-anik ang pinaggagawa sa kanyang fezlak. Hahahahahahahaha!

Magpalagay ba naman ng deep set look sa kanyang mga mata, ang end result ay talaga namang katawa-tawa ever. Hahahahahahahahahahaha!

Honestly, nawala ang kanyang charisma at nakatatawang hindi na niya maidilat ang kanyang mga mata, thereby giving the stark impression that she’s not altogether sane. Hahahahahahahaha!

Sa totoo, naging laughing stock siya sa lara-ngang kanyang dating pinagrereynahan dahil sa kanyang katawa-tawang itzu. Pero wala ngang kakontentohan. Pinatapyasan pa nang husto ang kanyang ilong hanggang sa parang gatuldok na lang ito at nawala ang likas na arrive o appeal ng kanyang mukha.

Kaya bago mag-avail ng mga reto-retokeng ‘yan, pakaisipin muna ng ilang libong beses at baka sa halip na makabuti ay lalo pang makasira sa inyong pagkatao. Hahahahahahahahahaha!

Huwag  na  huwag din patatapyasan ang ilong dahil once na mabawasan na ito ay hindi na uubrang maibalik pa ever. Hahahahahahahahahaha!

‘Yun lang!

HAWIG NA KAY JUDAY!

Habang nagtatagal ang afternoon soap na Moon of Desire, marami ang nakapupunang lumalaki ang resemblance ng lead actress nitong si Meg Imperial kay Ms. Judy Ann Santos.

Ang nakaa-amuse pa, kahit ang pag-arte ng protegee ni Mother Alfie ay parang nagagaya na rin ni Meg.

Hindi naman siguro sinasadyang gayahin ng magandang teenage actress ang multi-awarded actress. Talaga lang they have the same facial features and practically the same voice.

Anyway, click na click ang tandem nila ni JC de Vera sa afternoon soap ng ABS CBN.

As time goes by, lalong humuhusay umarte ang da-ting talent ni Madam Annabelle Rama. Kahit sa My Legal Wife ay hataw rin ang kanyang performance at may pagkakataon pa ngang nakikipagkabugan siya sa acting ng multi-awarded actor na si Jericho Rosales.

Suffice to say, ang laki nang talaga ng ini-improve ng acting ni JC.

Kunsabagay, symphatetic at challenging naman kasi ang kanyang role unlike kay Echo na naging nega dahil sa illicit love affair nila ni Maja Salvador.

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampolo- [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …