Tuesday , December 24 2024

Korupsiyon sa Media laganap — Teodoro

SA kabila ng pagpupursigi ng administrasyong Aquino na walisin ang korupsyon, patuloy pa rin lumalaganap ito hindi lamang sa pamahalaan kundi maging sa hanay ng media.

Ito ang pananaw ni dating dean ng University of the Philippines College of Mass Communication Luis Teodoro sa pagtalakay sa kalagayan ng Philippine media at usapin ng malayang pamamahayag sa bansa.

Ayon kay Teodoro, ang pangunahing problema ngayon ng lokal na media ay ang pagdami ng mga mamamahayag na walang sapat na training o dili kaya’y mali ang naging pagsasanay at karanasan para ituring na tunay na miyembro ng media.

“Dito nag-uugat ang ethical questions ukol sa kanilang pagtupad ng kanilang tungkulin dahil hindi nila matukoy kung ano ang dapat na gagawin sa isang sitwasyon na sumasalungat sa mga ali-tuntunin ng pagiging mamamhayag,” punto niya sa linggohang Tapatan sa Aristocrat media forum.

Sinusugan ito ni Philippine Institute for Development al Studies (PIDS) public affairs chief Rommel Lopez, na nagsabing sa realidad ay laging nakokompromiso ang trabaho ng media sanhi ng laganap na korupsyon sa loob mismo ng news room.

“Kapag nasa editorial ka, ang umiiral ang nais ng may-ari ng pahayagan, radio o telebisyon. Ang totoo, the name of the game ay compriomise,” ani Lopez.

May ilang media organization na pinaniniwalaang mismong mga lider nila ay kinokompromiso ang buong organisasyon sa interes ng ilang politiko.

ni Tracy Cabrera

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *