ISANG masayang-masayang Jericho Rosales ang nakita namin sa mga larawang ipinadala ng kaibigang Chuck Gomez sa katatapos na pag-iisandibdib nila ng TV host na si Kim Jones noong Huwebes ng hapon na ginawa sa Boracay.
Isang beachside wedding na may temang love for surfing and the sea ang kasalang Echo at Kim na ginawa sa Shangri-la Boracay Resort. Dinaluhan ito ng kani-kanilang pamilya gayundin ng mga malalapit na kaibigan tulad nina Iya Villania, Paolo atGabriel Valenciano, Donita Rose, at Piolo Pascual.
Kinabibilangan nina Coney Reyes, Gary Valenciano, Johnny Manahan, at ABS-CBN head of TV production Laurenti Dyogi ang mga principal sponsor.
Isang beige suit na gawa ni Francis Libiran ang suot ni Echo samantalang Vania Romoff gown naman ang kay Kim.