Sunday , December 22 2024

Corrupt sa gov’t dumarami kahit na… at JSY ‘di tumakbo pero…

MATAGUMPAY ang ginawang eleksyon ng National Press Club (NPC) nitong nakaraang Linggo. Wala naman naganap na ballot snatching. Mabuti naman kung magkaganoon. He he he …

Bago na naman ang pangulo ng NPC … ano kaya ang magiging mundo ng mga mamamahayag sa leadership ni Joel Egco, siya ang bagong halal na pangulo.

Ayos Pangulong Joel.

Ano man ang plano mo Mr. President, suportado kita o maging ng Quezon City Police District Press Corps.

Congratulations Pangulong Egco and good luck nang marami kasi alam mo naman … kapag pangulo ka ng NPC … daming tatakbo sa iyo na hindi naman dapat dahil wala ka naman PDAF at DAP. Anyway, kaya mo iyan … suportado ka naman ng buong team mo.

Good luck Joel Egco.

Siyempre, binabati ko na  rin ang bagong Vice President na si Pangulong Benny Antiporda. Kaya tuloy ang serbisyo publiko para sa mga mamamayahag.

Binabati ko rin ang kaibigang ko si NATS TABOY. Ikatlong termino na niya bilang direktor. Congrats.

Sa mga kapatid sa hanapbuhay.

Si Jerry Yap, ang aking boss, kahit na hindi tumakbo ay nand’yan lang sa natin. Laging handang tumulong– maging sa mga press corps.

Salamat Boss Jerry.

***

PALALA nang palala ang kalagayan ng gobyerno natin – halos araw-araw ay may ‘ipinapanganak’ na magnanakaw na opisyal.  Magnanakaw sa kaban ng bayan sa kabila ng kaliwa’t kanang bulgaran o imbestigasyon sa mga nasasangkot.

Pero bakit kaya sa kabila ng maraming pangalang naibubunyag na sangkot sa nakawan ay parang kabute pa rin ang mga magnanakaw sa gobyerno o sa mga ibinoto natin na inaka’y makatutulong sa pag-ahon ng ekonomiya ng bansa.

Isa lang ang ibig sabihin nito. Kaya hindi natatakot ang mga magnanakaw o kaya araw-araw na may ipinananganak na magnanakaw sa taga-gobyerno o mambabatas at mga katulad nilang namumuno sa bansa, dahil batid nilang ang lahat, partikular na ang imbestigasyon ay hanggang imbestigasyon lamang.

Batid nilang walang patutunguhan ang lahat…batid nilang politikahan ang lahat – isa sa masasabing halimbawa ng politikahan dahil nga malapit na ang presidential elections, ang nangyayari ngayon sa tatlong senators na sina Juan Ponce Enrile, Bong Revilla at Jinggoy Estrada.

In fairness, may mga nakakasuhan naman sa Ombudsman pero napapako ang isinampang kaso laban sa kanila. Bakit? Kaalyado kasi ang nakasuhan pero kapag oposisyon o hindi kaalyado ng Ombudsman, mas mabilis pa sa alas kuwatro ng umaga ang pagdinig sa kaso. Ilang araw lang ang makalipas ay may probable cause na kaya iaakyat na sa Sandigang Bayan.

Pero kung sana’y tularan sana ng mga tunay na nasasangkot sa nakawan ang bansang Japan, Korea at iba pa. Marahil ubos na ang makakapal na mukha sa gobyerno o iyong mga ibinoto natin na inakala’y makabansa.

Lamang kapag gagayahin ng mga magnanakaw ang estilo ng mga lider sa ibang bansa, siguro araw-araw ang eleksyon sa bansa. He he he…

Iyong nangyari sa mga Koreanong estudyante – maraming namatay sa kanila sa isang trahedya sa dagat. Ano ang ginawa ng Prime Minister ng South Korea na si Jung Hong-won? Nagbitiw siya  dahil sa batikos na inabot patungkol sa paglubog ng barko. Hindi iyan nagnakaw ha pero, ang ganda ng halimbawang kanyang ipinamalas.

Sa Japan ay uso  ang ‘hara kiri’ na isinasagawa kapag nagkaroon ng matinding kapalpakan – pribado man o sa pampublikong tanggapan.

Ang mga ganitong desisyon ay maituturing na isang magiting na gawa na handang ibuwis ang buhay man o posisyon tuwing may nagaganap na kapalpakan sa kanyang bakuran.

E dito sa mahal natin bansa…hangga’t may mananakaw ay magnanakaw pa rin ang mga gago.

Pero kung kanilang gagayahin ang mga uso sa ibang bansa, tiyak na araw-araw ang eleksyon natin.

***

Para sa inyong reklamo, komento, suhestiyon at panig, magtext lang sa 09194212599.

Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *