MAYROON na bang deklarasyon ng martial law sa PNP Northern Police District (NPD) laban sa mga mamamahayag?!
Naitatanong natin ito dahil ilang mamamahayag ang nagtataka kung bakit biglang itinago at ayaw ipakita sa mga reporter ng isang opisyal ng PNP Northern Police District (NPD) ang spot report na ipinadadala sa kanila ng mga police station na nakapailalim sa nasabing distrito.
Bago umano makakuha ng spot report ay kailangan munang hingin ang clearance ng isang Chief Insp. Yamot para makita ang spot report.
Ang spot report po dear readers ay ulat ng isang pulis na nag-imbestiga sa isang insidente. Kung ang insidente ay naganap within Caloocan, Malabon, Navotas and Valenzuela dahil ‘yan ang sakop ng NPD.
Ipinapasa nila ang ulat na ito sa kanilang estasyon at binibigyan ng kopya ang district police office.
At hindi lang pala mga reporter ang nagtaka sa pagbabagong ito. Maging ang ilang tauhan ng district investigation unit ay nagtatanong kung bakit ang kopyang SPOT REPORT ng District Tactical Operating Center (DTOC) ay muling ipinaakyat ni Yamot sa kanyang tanggapan.
Aba ‘e nayayamot na nga raw sila sa sistema ng NPD official na ‘yan.
Ano ba ang gustong palabasin ni Yamot? Curtailing of press freedom ‘yan!
NPD director Chief Supt. Edgar Layon, alam mo ba ‘yang pinaggagagawa ni Yamot?!
O EPAL lang ni Yamot ‘yan?
Huwag ninyong kalilimutan na isang porma ‘yan ng panggigipit sa mga mamamahayag …
Baka bumalandra sa inyo GEN. LAYON, ang mga nakayayamot at kwestiyonableng layon ni Yamot!
Pakibusisi n’yo lang ‘yan!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com