Tuesday , December 24 2024

Anak ng ex-mayor dedbol kay utol

CAUAYAN CITY, Isabela – Away sa lupa ang pangunahing tinitingnang anggulo ng Luna Police Station sa pagsaksak at pagpatay sa isang lalaki kahapon dakong 1 a.m. ng kanyang ka-patid sa Luna, Isabel.

Kinilala ang biktimang si Jose Beltran, 55, habang ang suspek ay si Pedro Beltran, 60, kapwa residente ng Centro Uno, Luna Isabela. Sila ay mga anak ng dating mayor ng Luna, Isabela.

Sa imbestigasyon ng Luna Police Station, nakaparada ang sasakyan ni Jose nang pasukin at pagsasaksakin ng suspek ang biktima.

Bukod sa pananaksak ay pinukpok din ng bato ni Pedro ang ulo ng kanyang kapatid.

Tinamaan ng pitong saksak sa katawan ang biktima at may sugat sa ulo sanhi ng pagpukpok ng bato.

Inihayag ni Sr. Insp. Edgar Pattaui, ang hepe ng Luna Police Station, pinaaalis ni Jose ang kapatid na si Pedro sa kanyang lupain sa Centros Dos, Luna at dito nag-umpisa ang alitan ng dalawa na humantong sa krimen.

Agad naaresto ang suspek na kakasuhan ng murder.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *