Tuesday , December 24 2024

Abaya, 3 pang DoTC off’ls inasunto sa Ombudsman

SINAMPAHAN ng kasong paglabag sa anti-graft and corrupt practices act sa Office of the Ombudsman ang apat na matataas ng opisyal ng Department of Transportation and Communication (DoTC) kaugnay sa pagkaka-award ng kontrata sa AF Consortium na single ticketing ng tatlong Urban Rail Transit Systems na kinabi-bilangan ng Light Rail Transit Line No. 1 & 2 at Mass Rail Transit Line No. 3.

Kabilang sa mga kinasuhan ay sina DoTC Secretary Joseph Emilio Aguinaldo Abaya; Undersecretary Jose Perpetuo M. Lotilla, Chairman of the Bids and Awards Committee para sa Contactless Automated Fare Collection System (CAFCS); Undersecretary Catherine Jennifer Gonzales; at Rene K. Limcaoco, pawang mga miyembro ng Bids and Awards Committee (BAC).

Isinampa ang kaso ni Zosimo Paat, Pilipino, nasa hustong gulang at miyembro ng National Federation of Filipino Consumers (NCFC) sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Atty. Oliver San Antonio.

Sa 13-pahinang complaint affidavit ni Paat, ang mga kaso ay kanilang isinampa batay sa Rule 11 (Procedure in Criminal Cases) ng Administrative Order No. 07 sa paglabag ng Sections 3 (e) at (g) ng Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act na may kaugnayan sa pagkaka-award ng CAFCS sa LRT Line 1-2 at MRT Line 3.

Ang nasabing mga opis-yal ay nagsabwatan para mai-award ang nasabing proyekto sa AF Consortium.

Ang tatlong Urban Rail Transit Systems na kinabibilangan ng LRT Line 1 ay matatagpuan sa Taft-Rizal Avenues; LRT Line 2 naman Aurora-Recto Avenues at ang MRT Line 3 na nasa Efipanio delos Santos Avenue (EDSA).

Nakapaloob din sa reklamo ni Paat ang LRT Line 1 at 2 ay pinatatakbo ng Light Rail Transit Authority (LRTA) at may compatible fare collection system.

Samantala ang MRT Line 3 ay pinatatakbo ng DoTC sa ilalim ng lease agreement na may private corporation, MRTC (Metro Rail Transit Corporation) na ang fare collection system ay hindi tugma sa LRT Line 1 at LRT Line 2.

Ang consession period ay aabutin ng 10 taon na may exclusive period, samantala walang ibang card issuers na mag-o-operate sa limang (5) taon na magsisimula sa Full Systems Acceptance (FSA).

Ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng P1.72 bilyon na may katumbas na US$40 milyon at ang target delivery schedule nito ay sa third quarter ng 2015.

Lumabas sa General Bid Bulletins ng DoTC na ang nakapasa sa pre-qualified consortia ay ang limang (5) kompanya na kinabibila-ngan ng Comworks, Inc., SM Consortium, E-Trans Solutions, AF Consortium at Megawide Construction Consortium.

Kasabay ng pagsasampa ng nasabing kaso sa Ombudsman ay nagsagawa naman ng kilos protesta ang ilang miyembro ng NCFC.

Ayon kay Atty. San Antonio, abogado ni Paat, ang AF Consortium ay hindi da-pat sumali sa nasabing bidding ng proyekto dahil may nakabinbin pang kaso na nakasampa sa Singapore at kasalukuyang dinidinig.

“Based on papers submitted and admitted publicly by AF consortium, two of its major companies, Ayala Group and the Metro Pacific Investment Corporation, have huge financial interests in the MRT Line 3,” ayon kay San Antonio.

Sa ilalim ng bidding rules ng BAC ng DaTC, awtomatikong disqualified ang sinomang bidder na  may pending na kaso laban sa pamahalaan at ang bidder na may substantial interest sa LRT 1, LRT2 and MRT3.

MPIC at Ayala ay parehong may substantial interests sa  MRT 3. MPIC ang may-ari ng 48 percent of the AF Consortium.

“AF Consortium is in clear violation of Section V-02 likewise of the instruction to prospective bidders,” diin ni San Antonio.

(MON ESTABAYA)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *