Tuesday , December 24 2024

Mag-asawang Septuagenarian lasog sa senglot na driver

CAGAYAN DE ORO CITY – Nasa kustodiya na ng Initao Police Station ang driver na nakabangga at nakapatay ng mag-asawang naglalakad sa Brgy. Tubigan, Initao, Misamis Oriental kamakalawa.

Kinilala ang driver na si Michael Villegas, tubong Malaybalay City, Bukidnon.

Ayon sa report, sumuko si Villegas sa mga awtoridad makaraan mabangga ang mga biktimang sina Alfredo Alabanza, 71, at Richelle Alabanza, 74, pawang residente sa nasabing lugar.

Sinabi ni Insp. Roy Montes, hepe ng Initao Police Station, mabilis ang takbo ng Honda CRV na minaneho ng suspek kaya’t agad namatay ang dalawang biktima.

Una rito, napatunayan ng mga pulis na lasing ang driver nang mangyari ang insidente.

Kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide ang nakatakdang isampa sa lasenggong driver.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *